Good Friday " Santo Entierro "
photo by: Christian Condecido
Ang Biyernes Santo ay isang banal na araw na
ipinagdiriwang ng mga Kristiyano tuwing Biyernes bago sumapit ang Pasko ng
Pagkabuhay. Isa itong natatanging araw dahil inaalala nito si Hesus. Naniniwala
ang lahat ng mga Kristiyano na namatay si Hesukristo sa krus para sa mga
kasalanan ng mundo, kaya tinatawag itong "Mabuting" Biyernes.
Nangyari ang kaganapan mga malapit sa dalawang libong taon na ang nakararaan sa Kalbaryo, malápit sa Herusalem, at tinatawag na krusipiksiyon ang pagpapako sa krus ni Hesus. Kalimitang isinasagawa ang mga natatanging mga serbisyo ng pananalangin sa araw na ito na may mga pagbása ng pangyayari o salaysay sa Mabuting Balita hinggil sa mga kaganapang humahantong sa pagpapako sa krus. Sinasabi ng pangunahing mga simbahang Kristiyano na isang kusang kilos ang krusipiksiyon ni Kristo, na ginawa ni Hesus para sa mga nananalig sa kaniya, at dahil dito kasama ang muling pagkabuhay o resureksiyon niya sa ikatlong araw nagapi ang kamatayan.

Ginugunita tuwing Biyernes santo ang pagpuprusisyon sa
labi ng ating Panginoon upang ipakita sa mamamayan na namatay at muling
mabubuhay ang ating Panginoon, Dito sa larawang pinapakita o isinasabuhay ang
mga kaganapan sa panahon ng ating Panginoong Hesukristo, kasama ang labing
tatlong apostoles na siyang bubuhat ng Santo Enterro. Ano nga ba ang Santo
Entierro, ang Santo Entierro ang labi ng ating Panginoon kung saan hinihimlay
sa isang simbahan upang bantayan hanggang sa mag Linggo ng Pagkabuhay kung saan
pinagdiriwang ang muling pagkabuhay niya, Kilala rin ang araw na yon sa Easter
Sunday kung saan mayroong Easter Egg hunt.
Tuwing Biyernes santo rin maraming kaganapan at
paniniwala ang nagaganap, nariyang ang pagbabawal kumain ng karne, pati na rin
ang sinabi ng matatanda na bawal makipagtalik sa araw na iyon sa kadahilanang
namatay si Kristo,at gumagambala ang mga masasamang elemento. Dahil nga sa
bawal kumain ng Karne at araw ng pagdadalamhati maraming establishment ang
sarado.
0 comments: